page fifteen

10:12 PM / Posted by collaboration / comments (0)

siguro nagtataka kayo kung bakit walang bagong kabanata sa buhay ni tambunting. sorry, tinatamad kasi kami magsulat. at dahil diyan, eto ang bagong kabanata sa buhay ni tambunting.

kasalukuyang nakahilata si tambunting sa labas ng kanilang bahay. pinagmamasdan niya ang araw na nagtatago sa likod ng mga ulap. nakikita kaya niya ito?

kung pagmamasdan si tambunting may makikitang balahibong kulay pink sa kanyang likuran. nagpakulay kasi siya ng balahibo. hindi daw sa kanya bagay ang puti dahil isa siyang tunay na lalaki.

"ano ba naman to... ano na ba ang gagawin ko? tinatamad na ata ang mga nagsusulat tungkol sa mga kagilagilalas na pakikippagsapalaran ko.

"kahapon nagastos ko na ang huli sa sweldo ko para magpakulay ng balahibo."

lumuhod si tambunting tulad ng pose ni santino at niyuko ang kanyang ulo. taimtim siyang nagdasal.

"bro, sana naman sipagin na po ulit ang mga nagsusulat para may raket na ulit ako. gusto ko na po kasing papalitan ang poster ni Angel Locsin. si Marian Rivera naman po sana. salamat po bro."

kasabay ng pagtaas ng kanyang ulo. tumambad sa kanya ang mukha ni ate longkatuts. agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata.

"nakakagulat ka naman ate longkatuts."

"hoy tambunting tumayo ka nga diyan!" sigaw ni ate longkatuts.

"ate longkatuts, hindi mo ba nakikita na nagdadasal pa ako?"

"may tawag sa iyo... si (insert name here), yung isa sa mga nagsusulat sa ng mga kabanata ng buhay mo."

tila ba dininig ng langit ang dasal ni tambunting.

nang narinig ni tambunting ang pangalan na (insert name here) agad siyang tumayo at lumipad patungo sa telepono. ang kanyang pink na pakpak ay nagniningning kasabay paglabas ng araw mula sa likod ng mga ulap. tila ba isa siyang heavenly creature na galing sa malayong lugar sa kalawakan.

nang sinagot ni tambunting ang tawag ni (insert name here). narinig niya ang tugtog na careless whisper.



sino kaya si (insert name here) na nagpapatugtog at ano kaya ang ginagawa niya, bakit yung ang background music niya?

tambunting: magiging regular na ba ang pag-update ninyo sa buhay ko?

tune in sa susunod na kabanata ng kagilagilalas na pakikipagsapalaran ni tambunting.

side story page 2

6:56 PM / Posted by collaboration / comments (0)

ang pangangaroling nila geom at integral...

integral: geom, tingnan mo itong bago kong suot na bling-bling... winasiwas ni integral ang kanyang brasong may suot na sangkatukak na bling-bling...

geom: integral, malapit na ang pasko. magagamit mo na naman yang bling-bling mo. hindi na natin kailangang pang gumawa pa. instant tambourine.

panu magiging malapit na ang pasko november pa lang naman...

integral: oo nga no... ang galing mo geom. e panu ka?

geom: ako naman yung magtatambol.

integral: nasan tambol mo?

geom: err... naalala ni geom na may laruan siyang tambol at kinuha ito... ayan meron na akong tambol.

lumipas ang ilang oras. lumubog na ang araw at lumiwanag na ang buwan... sinimulan na nila integral at geom ang kanilang misyon. ang mangaroling. pumunta sila sa isang bahay at nagsimulang kumanta...

i & g: pas...

taong bahay: tawad...

lumipat sila ng bahay minsan may nagbibigay, minsan makita pa lang sila ay nagtatago na... ang saklap naman ng buhay pangangaroling nila geom at integral...

integral: geom, wala naman nangyayari sa atin. pagod na akong kumanta. saka nangangawit na yung braso ko. ang bigat nitong bling-bling ko...

geom: oo nga integral, eto last. dun tayo sa kuyang nakahiga...

integral: sige...

lumakad sina geom at integral papunta sa kuyang nakahiga. hindi napansin ni kuyang nakahiga na dumating sila kaya nagsimula silang tumugtog at kumanta...

pasku nanaman okey tulen ng araw..
pasku nanaman tela bakung kilan lang..
ngayun e pasku tayu ay mag-awetan!
pasku! pasku! pasku nanamang mole!
tangeng araw nateng penakamemethe!

habang kumakanta sila may sinasabi si kuyang nakahiga pero hindi sila tumigil, patuloy silang kumanta hanggang...

kuyang nakahiga: sorry mga bata, walang pera.

nalungkot ang dalawa. bago umalis. bumelat muna si geom kay kuyang nakahiga...

integral: tara geom, uwi na tayo...

geom: sige. naka nine hundred ninety-nine thousand nine hundred ninety-nine pesos naman na tayo... pwede na to.

integral: yes... makakabili na naman ako ng bling-bling!

habang papalayo sina geom at integral may nahulog na bulalakaw mula sa direksyon ng buwan papunta sa bahay ng kuyang nakahiga...

------------

maligayang pasko sa inyo...

page thirteen

5:04 PM / Posted by collaboration / comments (0)

"san ka nanaman galing?! at, bakit NAKAKUMOT KA LANG?!," ang bulyaw ng naghuhumigahol na kasambahay.

wala sa tamang katinuan si tambunting. nahihilo na siya sa nangyayari sa kanya. akala niya sa super inggo lang nangyayari ang mga wirdong bagay tulad ng na-e-experience niya nung nakaraang mga araw. hindi na siya nakapagpalit ng saplot pamula nung dinakma siya ni coach pugo sa plaza mayor ng ust.

"ate longkatuts (pangalang tunay ng kasambahay), bakit high ka nanaman? atsaka, bakit PABABA NA ANG KUROT MO?!" *insert gay bar tune here*

"ay sori," sabi ni longkatuts na nakakurot na sa pusod ni tambunting. "isang gabi kang wala dito, ano nalang ang sasabihin ni ati kapag nalaman niya 'to?"

"bayaan mo na yun, basta gusto ko munang magpahinga, pagod na 'ko," sagot ni tambunting. "ipagtimpla mo naman ako ng orange juice ha? lagyan mo na din ng alaska evap at mayonnaise, alam mo namang gusto ko ang timplang ganun."

"bakit ka ba kadiring maghalo ng pagkain? pero sige, hintayin mo nalang."

dumiretso si tambunting sa kwarto niya. humiga siya sa kanyang sky pink na kama at tumingin sa kisame niyang may poster pa ni angel locsin.



tick.. tock.. tick.. tock..


tick.. tock.. tick.. tock..



"!@(_#*)~-^#@@}ng tick tock," sambit niya. naalala nanaman niya ang mga nangyari sa kanya, at wala parin ang kadiri niyang inumin. hindi siya mapakali. lumabas siya ng bahay.

paglakad ng konti, lumiko siya sa isang kanto. paglikong-pagliko niya, nakakita siya ng isang lalaking umiihi sa pader. nainggit siya kaya naki-ihi na din siya.

habang solemn ang lahat..

"ang laki mo na a," sabi ng lalaki.

"baboy." sabi ni tambunting. nagsalwal uli siya at umalis na.

pagliko niya uli sa isang kanto, may natapakan siya, pero hindi tae. pagtingin niya sa may paanan niya, nakakita siya ng isang balahibo ng manok. kulay blue. pinulot niya yun, pero hindi nagtagal, kusang gumalaw ang kanyang kamay at sinuksok ang dulo ng balahibo sa pinakababa ng kanyang spinal cord.

isang pares ng puting pakpak ang tumubo sa magkabilang shoulder blade niya. pagtingala niya, may isang bulalakaw na animo'y may bunganga ang nakangisi sa kanya.


biglang tumugtog ang theme ng voltes five.




itutuloy..

sidestory page 1

4:46 PM / Posted by collaboration / comments (0)

author's note: ang mga sidestory pages ay.. mga sidestory, na kunektado sa storya pero naka-focus sa iba ang kwento. pag nabasa nyo ang page na 'to, malalaman niyo din kung ano ang mga sidestory pages. :)

***


SIDESTORY 1: ANG BUHAY NI CLARA BAGO SI TAMBUNTING

si maria clara isabel katerina c. rosas ay pinanganak noong mga panahong sikat na si celine dion (hahaha. walang exact date). ang mga magulang niya ay tiga-zimbabwe, pero dito sila nanirahan sa pilipinas. iniwan siya dito ng mga magulang niya dahil naghahanap-buhay ang mga ito sa zimbabwe. dahil lumaking madalas mag-isa, natuto si clara na maging independent at mature at a young age.

iniwan siya dito sa kanyang butihing lola, na si hetty cleopatra (kaya "c" ang middle initial niya, dahil sa mother's side-lola niya). sila ay naninirahan sa isang bahay kasama ang kanyang mga pinsan na sina geom at integral batumbakal. sa ngayon, kolehiyala na si clara at nag-aaral sa isang super-tandang institusyon.

si clara ay mahilig sa mga hayop. nasubukan na niyang mag-alaga ng aso, pusa, daga, kuneho, butiki, anay, manok, uwak, parrot, kissing gourami, tilapia, usa, ahas, at baby hippo (namatay dahil kulang sa paligo). nakilala siya sa lugar nila bilang "ang zoo na tinubuan ng mukha".

magaling din siyang mag-piano. madalas siyang tumutugtog para sumaya ang kanyang lolang si hetty (kahit hindi na niya ito masyadong naririnig). magaling din siya sa mga gawaing-bahay.

kung may isang katangian si clara na kaiba, ito ay ang pagtitiis ng todo kahit ayaw na niya. gawin niyo nalang example ang pagpapatugtog niya ng "kaba" at "o giliw ko miss na miss kita" kahit hindi naman niya ito masyadong trip. ito ay epekto na rin siguro ng pagtitiis na walang magulang na kasama sa paglaki.

ang buhay-love life ni clara ay isang sikreto. (may umepal: "BUWAHAHAHAHAHA!!!" --golab naed.)



hanggang sa makilala niya si tambunting. e ano naman ngayon? hahaha.

page twelve

7:40 PM / Posted by collaboration / comments (0)

nahulog si tambunting mula sa taas ng mala-beanstalk na puno, abo na lang ang gym (kahit na hindi naman nasunog). panandalian siyang nawalan ng malay....

pagkagising nya...

"nasaan ako?", bulong nya sa kanyang sarili.. wari'y naliligaw. tumayo siya habang hawak hawak pa rin nya ang kumot na nakabalot sa kanyang hubad na katawan.. nasa kwarto sya noong mga oras na iyon e.

lumabas siya ng kwarto at nilibot ang bahay.. mejo malawak ang bahay. sa paglalakad nya ay napunta siya sa isang kwarto at pumasok siya roon. marami siyang mga nakita tulad ng: trophies, ust jersey, bola, picture ni LARRY BIRD (NBA superstar noong panahon pa ni kopong kopong) at ang picture ni MICK PENNISI (PBA player ngayon, ewan ko kung bakit si coach ay may picture ni mick, cguro idol)..

"anong ibig sabihin nito?"..."nasaan ba talaga ako?"...

biglang may pumasok sa pinto... isang sikat na indibidwal dahil sa kanyang iba't ibang reaction at sa galing na rin nyang magcoach. siya ay walang iba kundi si coach pugo, ang bagong coach ng UST.

---rewind ng konti---

baguhan plang si new coach sa UAAP, galing kasi siya sa "liga lang sa mga kalye".. at dahil mejo marami ang mawawala na sa line up ng UST tigers at puro bulok ang nasa team B ay nagdasal siya ng mataimtim na sana ay bigyan ni God ang UST ng isang magaling na player, maaasahan at talagang may talento..e biglang lumindol... sumigaw si coach pugo ng may galak sa puso, mangiyak-ngiyak, "salamaaaaat po, maraming salamaat, sobrang salamaaaat po sa sign na ito..... salamaaaaaaaaaat"

tumakbo si coach pugo papasok ng main building at hinintay na matapos ang lindol nang bigla ngang may sumigaw. "baka siya na un", bulong nya sa sarili. excited na excited na siyang lumabas ng main building....

pagkatapos ng lindol....

kumaripas ng labas si coach pugo at namataan nya ang nakahandusay na lalaking nakakumot lamang...wlang malay, si tambunting nga ang nakita nya. hindi na nagdalawang isip si coach pugo na iuwi si tambunting.....hanggang sa nagising na nga si tambunting sa isang kwarto sa loob ng bahay ni coach...

-------------------------------

"un pla ang istorya", sabi ni tambunting... "so aun nga, nandito na ako, anung gagawin ko ngaun?", dagdag pa nya...

"gagawin kitang STAR PLAYER ng UST tigers... alam kong ikaw ang sugo ng Diyos para maging champion muli tayo sa UAAP.... ha ha ha ha ha ha.." (tawang lucifer)...

walang masabi si tambunting, nakanganga lang habang ang kanyang laway ay tumutulo na.. speechless siya sa narinig.. at dahil dun hindi nya masabing wala siyang alam sa basketball!!!..

umuwi na si tambunting sa kanilang bahay ng nakanganga pa rin at amaze na amaze pa rin sa mga narinig..

sa kanilang bahay...

habang kurot kurot sa teynga...

"WALANGYA KANG TAMBUNTING KA...AT SAN KA NA NAMAN GALING HA???".... sigaw ng kanyang KATULONG????....

------------------------------------

ngayong basketball player na ang ating bida (kahit na "ano un" para sa kanya).... ano na kaya ang mangyayari sa kanya? at bakit katulong ang sumalubong sa kanya ng pingot??... abangan ang mga susunod pang mangyayari......

itutuloy.....

page eleven

10:10 PM / Posted by collaboration / comments (0)

yumuyugyog ang buong ust. kasama na dun syempre ang pagkawasak ang gym kung saan nag-e-enroll ng pe. wasak, walang natira kahit ano. napulbos. bumaon sa lupa.

pero anyway, si tambunting, tao na uli, hubo, hubad, naka-landi pose (ung parang tinatakpan ang kaselanan niya), ay naiwan sa labas ng main building. habang ang sandamukal na estudyante, janitors, pari, teachers at pati na rin si manong ice cream (complete with sorbetes) ay nagpatong-patong sa loob ng main (isipin mo buong ust nandun), si tambunting ay naiwan sa labas.

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!"

diba un ang huling narinig sa loob? eto ang nangyayari sa labas:

una, may nalaglag na kumot. dahil wala syang suot, dinakma niya agad ang kumot at nagtalapi. pangalawa, may tumubong puno! yung parang jack and the beanstalk. tapos biglang nakidlatan si tambunting! dahil sa kidlat, naramdaman niyang nagkaroon siya panandalian ng super-human strength. naka-akyat siya sa punong-parang-jack-and-the-beanstalk. pagdating sa pinakatuktok (yumuyugyog parin ang ust sa ibaba, ang gym kung saan nag-e-enroll ng pe ay 600feet below ground na, malapit na sa core, masusunog na), nagulat siya dahil merong nakaupo dun na may malaking tiyan.

"ehem. manong tiyan, ano po ang pangalan niyo?"

"ako si golab naed. tawagin mo nalang akong panda."

"panda? bakit may biglang tumubong puno sa ust habang lumilindol?"

"e kasi, ganun talaga. kontra ka pa e. wala ka nang palag, tumubo na e."

medyo napa-"WTF" ang mukha ni tambunting. pero tuloy parin..

"bakit ako lang ang nakarating dito?"

"e kasi, may kailangan kang malaman."

"e ano?" dahil pagod na si tambunting, umupo siya sa isang tangkay ng punong malaki.

"akala mo siguro lahat ng bagay na nangyayari sayo e random e no? hindi. hindi rin aksidente lang na nakakita ka ng bulalakaw, o naging pusa, o nakakilala ng mabait na babae, o napunta sa ust, o nastuck sa lindol (PERO MASAYA NA NASIRA ANG GYM KUNG SAAN NAG-E-ENROLL NG PE). lahat yan may meaning. pati pangalan ko may meaning. balang araw malalaman mo din."

"alam ko na!!! ikaw si madam auring na nagpa-sex change!!!"

"ha? walanja, na-o-otistik ka nanaman! dun ka na nga sa baba! basta tandaan mo nalang un," ang sabi ni golab naed.

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!"

parang nawalan ng lakas si tambunting (wag mag-imagine ng kung anu-ano. si panda ay straight). bumulusok siya sa lupa papunta sa yumuyugyog parin na ust (wala na ang gym kung saan nag-e-enroll ng pe, kahit abo, kahit molecules, wala na, sunog na sa kaila-ilaliman ng earth). tumigil bigla ang lindol. ang puno: kinain ng langit.




*epilogue: sa taas ng puno ng mala-beanstalk*

panda: "hay. bakit ako terror? at bakit malaki ang tiyan ko? at bakit masaya nung nawasak ang gym na pinag-e-enrollan ng pe?"

*end epilogue*



itutuloy...

page ten

7:07 PM / Posted by collaboration / comments (0)

page 9.5 ^^,

manghang mangha talaga si clara sa kanyang natuklasan na matalino si ming ming (tambunting) kea naman dali dali syang nag handa para makapasok at xempre dadalhin din nya si ming ming sa ust.

SETTINGS: University of Santo Tomas (UST)

soxal na soxal pa rin ang dating ni tambunting a.k.a. ming ming.... naka-two piece na kulay pula.. at naka-shades din. hanep sa porma dba? sa classroom nila clara, habang hindi pa nagsisimula ang klase, ay ipinagmayabang na agad nya na matalino ang pusa niya. ang sagot naman ng mga klasmeyt nya ay...(sabay sabay sila) "Owsssssss?"... at biglang nagring ang bell..

habang nagkaklase sila ay iniwan muna ni clara si ming ming sa labas... alam niya kasing matalino ito at may kakaibang suot kaya madaling mahanap...

------------------------------------------------------------------------------------
nang ginising na ni clara si ming ming...

---fast forward (4pm)---

may barkada si clara..at sa magbabarkada ay siya ang pinakamaganda.. lima lang sila sa grupo (including clara) at puro babae. pinakilala ni clara ang kanyang mga kabarkada kay ming ming (animo'y nakikipagusap lamang sa tao)...

habang karga karga ni clara si ming ming..

"hmm, ming ming say hi sa kanila, sila nga pla ang mga kaibigan ko..."

(name, surname)
-imang webber- maarte, laging makapal ang make up.. naging kabarkda siya ni clara dahil pinakopya siya ni clara sa exam ayun nakisama na sa grupo..

-bakekang thompson- nagfifeeling maganda, mahilig sa music at may sariling iPod..gusto nya na mas maganda siya kesa kay clara.. NBfSB siya. (asa pa haha)

-trining walker- probinsyana, tahimik..walang reaction sa kung ano mang mangyari sa kanya..

-hillary garutay- purong pilipina, actually may jowa na siya... si dodong..

------------------------------

umiyak sa galak si tambunting dahil nakilala nya ang mga kaibigan ni clara... kaya naman nagpakitang gilas agad si ming ming....

ang kanyang ginawa ay...kinuha ang iPod ni bakekang (ung hawak talaga ha, parang tao) at inilagay ang earphone sa kanyang mga tenga.... sakto naman na pag lagay nya ng earphone ay tapos na ang kanta...at magpplay na ang susunod na song...

ang hindi nya alam....

ang sumunod na song ay "kaba" by Tootsie Guevarra... naisip ni tambunting na ayaw pa niya maging tao para nakakasama niya lagi si clara... para lagi siya nitong nilalambing at inaalagaan..

ibinalik na ni tambunting ang iPod ni bakekang kea lang...sabi ng ibang girls, (nangingibabaw ang boses ni imang).."hehe, bakekang you make balik balik ng earphone to the tenga ng pusa named ming ming.... para naman, if nakita ng many people, maastigan sila, you know.."

..."yeah, ur tama..", replied bakekang thompson..

kea naman, hindi na nagdalwang isip si bakekang na isalpak sa tenga ni tambunting at tinodo pa ang volume para nga maipagmayabang sa mga tao.....

ayan na....pinapakinggan na ni tambunting ang kantang kaba.... hindi naman nya magawang alisin dahil hawak hawak siya ni clara....naglalakad kasi sila nun e.. alangan namang kalmutin nya diba? e d nasira ang beauty ni clara....

nagsisimula na ang kanta....(T:tambunting)..

ooh woh oh ah...hmmm hey yey..

T: meOw meOw (nakoo, hindi pede to)....

di ko malaman ang nadarama.. sa twing ikay aking nakikita...
may kung ano sa damdamin..at abot abot ang kaba...

T: meOw meOw meOOooww...(anong gagawin ko.. aaaahhhh)...... (may nararamdaman na si tambunting na kakaiba sa kanyang katawan)

sa araw araw ay nagtataka..ang puso kong ito..oh bakit ba?
ang kilos koy nagbabago..na halos naandyan ka na...
d makatulog sa gabi sa kaiisip.. sa diwa koy ikaw ang aking panaginip..

T: meoOOwwwww... (hindiiiiiiiiiii.....)

oh bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko...
sa bawat sandali ay nais kang makita..
kapag tumitig na sa akin ay ligaya..

kumikirot na ang puso ni tambunting.... hindi na nya mapigilan.. malapit na siya maging tao ulit..

anong hiwaga ang nadarama, anong kaba.....

---fast forward---

sa diwa ko, sa isip ko...
sa bawat sandali ay nais kang makita......

wala na siyang magagawa... hindi na nya mapipigilan.... magiging tao na siya ulit.... hihintayin nalang niya ang mga susunod na mga mangyayari sa kanya.... ilang salita nlng at tapos na ang kanta.... kinakabahan na si tambunting......

........isip ko....



---tapos na ang kanta---

"parang bumibigat ata si ming ming a.. subukan nyong buhatin mga girls", sabi ni clara.. at sinubukan nga ng mga dalagita...

lumalakas ang hangin.. kumukulimlim ang langit, napansin ng lima na lumiliit ang buntot ni ming ming hanggang sa mawala ito (binitawan siya ng mga babae, pero nakatingin pa rin sila kay ming ming habang nagbabago ng anyo, mejo natatakot din)...nawawala na ang mga whiskers, nagiging muka ng tao ang muka ng pusa.. ang mga kamay at mga paa ay bumabalik na sa dati.... napunit ang suot niyang two-piece, samakatuwid ay nawalan siya ng suot at saktong tao na ulit siya.... nakahiga siya sa gitna mismo ng grandstand... habang ang mga babae ay natakot at nagsimulang tumakbo..."waaaaaaAAaaaHhhhh", sigaw ng apat..ang sabi naman ni trining ay, "naging tao si ming ming? tara, tayo ay tumakbo na".....(kalmadong kalmado pa rin)

tumayo si tambunting at sumigaw...."OHHH HINDIIIIIIIIIIIIIIIIIII......."....kasunod nito ang paglindol.... nagsimula sa mahina ang lindol, papalakas..... nagsitakbuhan ang mga stujante ng UST papunta sa main building, nagulat din si tambunting kaya nakitakbo na rin siya.... e kea lang hindi siya makatakbo ng mabilis, kasi alam nyo na, wala siyang suot...tinatakpan nya ung baba nya....kaya mahirap din tumakbo..

sobrang lakas na ng lindol, mejo malayo pa si tambunting... lahat ng estudyante ay nakapasok na... hindi napansin ni manong guard na si tambunting ay naiwan kaya isinara na nya ang pinto ng main building....

si tambunting nalang ang natitira sa labas, as in siya nalng talga.. wala ni isang tao maliban sa kanya e hubo't hubad pa naman siya...... habang sobrang lakas na ng lindol...

----------------------

"aAaAaAaaaaaaaaaaaAAAhhhhhHHHHHHhhhhhhhhhhhhhh"......

ang sigaw na narinig ng guardya habang sila ay nasa loob ng main building...

----------------------

ano na kaya ang nangyari sa ating bida na ngayon ay tao na ngunit wala pang saplot.....

itutuloy....