page fifteen

10:12 PM / Posted by collaboration /

siguro nagtataka kayo kung bakit walang bagong kabanata sa buhay ni tambunting. sorry, tinatamad kasi kami magsulat. at dahil diyan, eto ang bagong kabanata sa buhay ni tambunting.

kasalukuyang nakahilata si tambunting sa labas ng kanilang bahay. pinagmamasdan niya ang araw na nagtatago sa likod ng mga ulap. nakikita kaya niya ito?

kung pagmamasdan si tambunting may makikitang balahibong kulay pink sa kanyang likuran. nagpakulay kasi siya ng balahibo. hindi daw sa kanya bagay ang puti dahil isa siyang tunay na lalaki.

"ano ba naman to... ano na ba ang gagawin ko? tinatamad na ata ang mga nagsusulat tungkol sa mga kagilagilalas na pakikippagsapalaran ko.

"kahapon nagastos ko na ang huli sa sweldo ko para magpakulay ng balahibo."

lumuhod si tambunting tulad ng pose ni santino at niyuko ang kanyang ulo. taimtim siyang nagdasal.

"bro, sana naman sipagin na po ulit ang mga nagsusulat para may raket na ulit ako. gusto ko na po kasing papalitan ang poster ni Angel Locsin. si Marian Rivera naman po sana. salamat po bro."

kasabay ng pagtaas ng kanyang ulo. tumambad sa kanya ang mukha ni ate longkatuts. agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata.

"nakakagulat ka naman ate longkatuts."

"hoy tambunting tumayo ka nga diyan!" sigaw ni ate longkatuts.

"ate longkatuts, hindi mo ba nakikita na nagdadasal pa ako?"

"may tawag sa iyo... si (insert name here), yung isa sa mga nagsusulat sa ng mga kabanata ng buhay mo."

tila ba dininig ng langit ang dasal ni tambunting.

nang narinig ni tambunting ang pangalan na (insert name here) agad siyang tumayo at lumipad patungo sa telepono. ang kanyang pink na pakpak ay nagniningning kasabay paglabas ng araw mula sa likod ng mga ulap. tila ba isa siyang heavenly creature na galing sa malayong lugar sa kalawakan.

nang sinagot ni tambunting ang tawag ni (insert name here). narinig niya ang tugtog na careless whisper.



sino kaya si (insert name here) na nagpapatugtog at ano kaya ang ginagawa niya, bakit yung ang background music niya?

tambunting: magiging regular na ba ang pag-update ninyo sa buhay ko?

tune in sa susunod na kabanata ng kagilagilalas na pakikipagsapalaran ni tambunting.

0 comments:

Post a Comment