page zero

8:04 PM / Posted by collaboration /

dito magsisimula ang ating storya. ito ay isang storya tungkol sa ating bidang nagngangalang tambunting. tandaan, tambunting ang pangalan niya.

nobyembre na. lumalamig na. nakabulagta si tambunting sa uyayeng rattan sa harapan ng bahay nila. hay, ang sabi ni tambunting. nakatingin siya sa madilim na langit. gabi na kasi. dahil wala siyang magawa, binilang niya ang mga bituin.

"isa.. dalawa.. tatlo.."

nang biglang may sumulpot na boses sa gitna ng kanyang semi-meditation.

"pasku nanaman okey tulen ng araw.."

lumaki ang mata ni tambunting. gumilid siya para makita kung sino ang pangahas na gumambala sa pananahimik ng pagbibilang niya.

"pasku nanaman tela bakung kilan lang.."

nakita niya ang mga nag-iingay: dalawang bata. isa e hinahampas ang tambourine sa hita niya at ang isa ay tinatambol ang tiyan niya.

nag-isip si tambunting. november pa lang diba? ang e-excited naman ng mga batang 'to. wala pa ngang christmas lights sa paligid e nangangaroling na kagad. sumagot na siya sa mga bata.

"sorry mga bata, sa december 20 nalang kayo bumalik."

"ngayun e pasku tayu ay mag-awetan!"

"sorry mga bata, wala pang december."

"pasku! pasku! pasku nanamang mole!"

"sorry mga bata, hindi ko maintindhan ang karoling nyo. bisaya ata e!"

"tangeng araw nateng penakamemethe!"

"sorry mga bata, walang pera."

saka lang tumigil ang mga bata. ang isa e bumelat pa sa kanya bago umalis. natawa nalang si tambunting. tumingin uli siya sa langit pero natakpan na ng ulap ang bituin kung san siya napatigil sa pagbilang kanina. tinamad na siya.

nang biglang may bumagsak na bulalakaw sa harap niya!!! anu kayang mangyayari sa bulalakaw? at sa kanya?



ito ang buhay ni tambunting. normal lang. pero, malay natin, hindi pala. ito ang storya ni tambunting. dito siya nagsisimula....








***

NOTE: ito ang unang page ng storya. para sa mga susunod pang page, tignan ang instructions sa upper left ng site (tabi ng links, taas ng chat box). enjoy lang. :)

***

0 comments:

Post a Comment