dahil may klase pa si clara at dahil hindi siya pwedeng pumasok sa loob ng classroom umupo na lamang si tambunting sa tabi ng malalaking bato sa harap ng building na pinasukan ni clara...
maraming tao. may mga papasok pa lang, may mga pauwi na. sa isip ni tambunting...
"ayos naman din palang maging pusa. paupo-upo na lang kahit saan... take note, kahit saan. minsan libre pa ang pagkain."
pero sa loob-loob ni tambunting...
"pero nakakalungkot din... hindi naman talaga ako pusa..."
sa pag-iisip-isip ni tambunting at sa paghihintay niya kay clara bigla siyang nakatulog. kawawa naman siya, wala pang tulog...
-panaginip mode start-
madilim ang lahat. isang himig ang kanyang narinig. isang himig na nagpagaan sa kanyang loob...
"tambunting..."
unti-unting minulat ni tambunting ang kanyang mata...
"tambunting..."
hinanap ni tambunting kung sino ang nagsasalita...
"nasan ba iyong nagsasalita... ang sarap ng tulog ko eh?"
tiningnan niya ang paligid...
"alam ko, maraming tao dito. bakit ngayon ako na lang?"
"tambunting..."
paglingon ni tambunting sa likod, nagulat siya at nawindang dahil nakita niya ang kanyang sarili...
"sino ka?"
"ako ay ikaw... pero unti-unti na akong nawawala."
"ano? hindi ko maintindihan."
"unti-unti nang nawawala ang katauhan ko dahil sa pagiging pusa mo. kung magpapatuloy pa ito at hindi ka pa makakabalik sa lalong madaling panahon... si tambunting ay mawawala na..."
dahil hindi maintindihan ni tambunting aka ming ming ang pinagsasabi ng kanyang sarili, sumakit ang ilong niya at nagkaroon ng nosebleed...
"dalian mo tambunting... ang oras ay hindi naghihintay kahit kanino..."
"kung ganoon ano ang dapat kong gawin?"
"bago lumubog ang araw kailangan mong makabalik sa pagiging tao... tandaan mo ang sinabi sa iyo ni bulalakaw, kailangan mong marinig ang kantang KABA ni tootsie guevarra..."
bumalik si pagkakahimlay si tambunting aka ming ming...
"tandaan mo tambunting... ang oras ay hindi naghihitay kahit kanino..."
-panaginip mode end-
"ming ming..."
nagising si tambunting aka ming ming dahil sa tinig ni clara...
---------------------------------
ano kaya ang susunod na mangyayari kay tambunting aka ming ming? makakabalik pa kaya siya sa pagiging tao o tuluyan na siyang magiging pusa habangbuhay?
itutuloy...
tulog na ang mga tao sa bahay na yon. at unti unti na ring napapapikit ang mga mata ng ating bidang pusa na kani-kanina lang ay isang pusakal
(pasalamat siya at kahit amo'y T_E siya ng pusa ay may kumupkop sa kanya at infareness pinaliguan siya)...kea lang ang nakapagtataka ay hindi sya nagwala habang pinaliliguan siya.. siguro ay nainlove na siya dun sa babae... siya nga pla, napagkasunduan ng mga kumokontrol kay Tambunting na ang pangalan ng babaeng iyon ay si CLARA.
unang gabi plang ng ating bida ay marami na agad sa kanyang nangyari kaya naman mahimbing ang pagkakatulog nya.... ay siya nga pla 4am na nung nakatulog siya.... sobrang himbing ng pagtulog ni tambunting sa malambot na sofa.....
-----------------------------------
"kRrRrRrrrrrRRRRRrrrrrrrrrnnggGggGGGGgg".........
"maaga na pla, alas sais na", sabi ni integral sa sarili.. may klase pa kasi si integral at doon siya nagaaral sa UST.
gising na din si clara na lumapit agad sa natutulog na si tambunting..... "gising na ming ming......mingggg, gising na...eto na ang pagkain mo....", tawag ni clara... si tambunting naman ay agad na nagising at agad na lumapit sa dalaga at ang sabi ay "mEowwww" (good morning)..
habang nagaalmusal si tambunting a.k.a. ming ming ay marami siyang iniisip (ung tipong seryosong seryoso at nakatingin lamang sa isang tabi habang kumakain), at ito ay ang mga sumusunod:
-kumusta na kaya si nanay?
-nakooo, wala pa akong assignment sa zoology tungkol sa "cat's life"..
-WTH, may klase ako ngayon, first subject ang zoology... awts naman...
at..
-swerte ko naman may nakilala akong magandang dalaga...haaay
ang hindi alam ni tambunting ay...
tumahimik ang buong paligid....... (umihip ang hangin) nanlaki ang mga mata ni tambunting, nakita nya na nakatitig sa kanya habang nakanga-nga at hindi gumagalaw ang mga kasama niya sa bahay na sina clara integral at geom. as in manghang mangha talga
un pala...........sa isip ni tambunting (OMG WTH nakalimutan ko na pusa nga pla ako ngayon waaaahh!) SABAY BITAW SA HAWAK NYANG KUTSARA (na may pagkain na isusubo na sana niya) AT TINIDOR (na may nakatusok na hotdog)..... sabay ngiti at alis sa upuan na kinauupuan niya.
napansin ni tambunting a.k.a. ming ming na ang pagkain niya ay nasa sahig at nasa lalagyan ng pagkain ng aso... inakala ni tambunting na tao pa siya kaya dun siya kumain sa table kasma ng mga tao at hinawakan niya ang kutsara at tinidor at sumusubo pa ito ha. haha.
naamaze si clara, at tuwang tuwang sinabi, "sabi ko na nga ba e, matalino ang pusang to, kea pla naka-two peace....hmmm"
inakala niya na matalino ang pusang iyon (pero hindi naman talaga matalino haha)
dahil nga sa namangha si clara ay naisipan niyang dalhin ang pusa sa ESKWELAHAN NA PINAPASUKAN NIYA....SA UST......para maipakita sa mga kaibigan at sa kakilala niyang TRAINER ng ASO......... :D
---------------------------------------
ano na kea ang mangyayari kay tambunting???? ano pang MALUPET na adventures ang mangyayari sa kanya.... at ano kea si Clara sa buhay niya? at (last na) anong mangyayari kung maging tao na siya ulit?...^^
itutuloy...
dahil ayaw naman ni tambunting na magmukhang KJ na pusa, lumapit na siya sa dalaga.

["sorry naman kung pangit drawing"-- secret artist (na kilala niyo na siguro)]
nakita na niya ito ng malapitan. mukha siyang dise-otso (18) o dise-nwebe (19) anyos. simple ang kanyang pananamit. mayroon siyang maamong mukha at tangkad na tama lang sa kanyang edad (hindi siya sigurado sa detalyeng yon, kase pusa siya). medyo mabagal ang kanyang pagsasalita at ang kanyang boses ay mahina pero kaaya-aya sa tenga. at, higit sa lahat, mayroon siyang malumanay na mukha.
umupo ang dalaga. nakita ni tambunting ang dalawang nangangaroling na hindi niya binigyan ng aginaldo na nasa may bukana ng pintuan.
"geom, integral, mga pinsan ko.. siya si ming-ming. nakita ko siya sa daan. nakahandusay.. hindi ko na muna tinanggal ang kanyang costume dahil bagay ito sa kanya (bumalik sa kaalaman ni tambunting na naka-two piece nga pala siya). pero teka, wag nyo muna siyang hahawakan, medyo madumi pa kasi siya."
pumasok sina geom at integral sa bahay. si integral, na siyang tiga-tambourine sa dalawa, ay nagsuot ng sampung pulseras pagpasok. si geom ay nagbukas ng pc at nagpunta sa ELEAP.
"halika, ming-ming. para bumango ka na.."
kinarga ng dalaga si tambunting. medyo nahiya siya dahil mabaho nga siya (inamoy niya pasimple ang sarili niya). isang plangganang puno ng tubig at sabon ang naghihintay sa kanya sa likod-bahay.
"dito ka muna ha.. magbabad ka.. para mabango ka na." sabay ngiti ng babae at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay.
habang nakalubog sa tubig-poso at nanunuot sa mr. clean, napagkabit-kabit ni tambunting ang mga nangyayari na nagdala sa kanya sa lugar na yon. dahil sa tricycle, kinabahan siya ng todo at hindi na niya natiis pa ang tiyan. sumabog ang laman nito bago siya nahimatay ("kaya siguro ako mabaho," naisip niya). dahil siguro nangamoy, hinanap ng dalaga sa bahay ang source ng bantot, at nakita siya (mas lalo siyang nahiya kase katabi niya ay.. itago nalang sa turing na "dumi ng pusa"). kinuha siya malamang ng babae at dinala sa bahay nila kaya siya napadpad dito.
ang hindi nalang niya alam ay kung saan nanggaling ang tugtog na "kaba" na narinig niya bago siya mawalan ng malay. naisip rin niya kung gano kabait ang babae dahil hindi ito nagdalawang-isip at nandiri sa kanya, and what's more, kinuha pa siya.
"ming-ming? aha. mabango ka na." naka-smile ang babae nung kinuha siya't pinunasan.
"meoow," medyo nagpa-cute si tambunting gamit ang pusa techniques niya.
"saan ka kaya galing? kawawa ka naman, siguro andami mong pinagdaanan bago ka napadpad dito. hayaan mo, hangga't kailangan mo 'ko, hindi kita pababayaan, ming-ming. masarap akong magluto! ipaghahanda kita ng masarap araw-araw kung titira ka dito. igagawa kita ng bahay, ng sarili mong kama..."
hindi na masyadong nakikinig si tambunting. nakatitig na lang siya sa babae. sapat na 'yon para masabi niyang sobrang bait ng babaeng ito. sinubukan ni tambunting ang isa pang banat at titignan niya ang magiging reaksyon ng babae..
"meoooow. meoooww.." (translation: "naku, ang buti mo naman.")
"ha? gusto mo ng gatas? sige, bukas, ming-ming. ipaghahanda kita." nakangiti nanaman ang babae.
"integral! geom! matulog na kayo. ipapatugtog ko na ang pampatulog sa inyo, kanina namimili ako e. kung "kaba" ba o etong isa. pero sige, etong isa nalang ang patutugtugin ko. hala, tulog na."
nang nakahiga na si geom at integral, pinatugtog ng babae ang "o giliw ko, miss na miss kita".
naisip nanaman ni tambunting na dito pala niya narinig ang kantang "kaba". pinatutugtog un ng babaeng 'to para makatulog ang mga pinsan niya. pero nagkataon na hindi un ang tugtog ngayon.
ipinatong ng babae sa sofa si tambunting at sinabihan ng "good night". umalis na siya at umakyat ng hagdan.

habang naka-upo sa sofa si tambunting, naisip niyang dito ang lugar kung saan maririnig niya ang kantang "kaba" para maging tao siya muli. pero, hindi na muna ngayon. tutal, medyo masaya naman siya sa mga nangyayari sa kanya.
tulog na sila. kaya! itutuloy....
***
links ng blog-arts: ang dalaga, tambunting--pusa style. :)
"salita" "thoughts"...
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
"AHHHHHHH!" malakas na sigaw ni tambunting sa kanyang pagkakagising sa madilim na silid. hingal na hingal sa kanyang pagkakaupo at pinakalma muna niya ang kanyang sarili bago magsalita.
"whew! panaginip lang pala 'yon. Akalain mu ba namang magiging pusa ako dahil sa binigay na bato ng isang bulalakaw at muntikan nang masagasaan ng tricycle na may nakasisinag na headlight at kelangan kong mapakinggan ang kaba na tanging paraan para maging tao muli ako!"
"HAHAHA!!!" sabay tawa sa kanyang napanaginipan.
"pasku nanaman okey tulen ng araw..."
lumaki ang mga mata ni tambunting, ''tulad ng sa panaginip ko...''
"pasku nanaman tela bakung kilan lang..."
tumayo sya sa pagkakaupo. napansin niyang sa sahig pala sya nakatulog.
"ngaun ay pasku tayu ay mag-awetan!"
naglakad si tambunting sa dilim para buksan ang switch ng ilaw. halos mabangga niya ang bawat gamit na nasa daan. "teka, nasa bahay ko ba talaga ako?"
"pasku! pasku! pasku nanamang mole!"
nagulat sya nang magbukas bigla ang ilaw at namataan niya ang mga bagay sa paligid na hindi pamilyar sa kanya tulad ng higanting babae na tila nagbukas ng ilaw, ang mga higanting gamit na ndi makikita sa bahay niya, at ang space ng bahay na mas malaki ng onti kesa sa bahay nia.
binuksan ng dalaga ang pintuan sa labas ng bahay kung saan ay naroon ang mga nangangaroling habang si tambunting ay tahimik na pinapanuod ang dalaga.. at nag-aalinlangan kung talagang nanaginip lng talaga sya kanina.
"ahaha..." tawa ng dalagang natutuwa sa mga nangangaroling.
"tama na 'yan mga bata. pati ba naman ate nio kakarolingan niyo. ahaha.. pumasok na kayo sa loob. gabi na, bukas nalang kau ulit mangaroling." utos ng dalaga sa mga bata.
"eeeeee! gusto ko pa mangaroling ate!" sambit ng isa sa mga bata.
"hay, nde na. pasok na kau dali. may surpresa ako." sabay tingin ng dalaga kay tambunting na may ngiti sa kanyang mga labi. "ming, ming!" sabi ng dalaga na tila tinatawag si tambunting para puntahan ang dalaga.
naisip ni tambunting: "WTH! MING! MING!???? ndi nga panaginip ung kanina."
::::
naglalakd-lakad si tambunting sa tapat ng mga bahay-bahay, tinatalasan ang kanyang pandinig, nagbabasakaling may nagpapatugtog ng "kaba" sa mga bahay na dinadaan niya.
'Di makatulog sa gabi sa kaiisip..'
"ayun! sinong korny nagpapatugtog nun? saang bahay nanggagaling 'yon?" patingin-tingin sya sa mga bahay sa paligid, pinakinggan ng maigi ang kanta at tumakbo patungo sa bahay na kung saan ay palakas nang palakas ang tunog ng kanta.
'Sa diwa koy ikaw ang aking panaginip.
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko..'
"yes! doon!" mababakas sa kanyang mga mata ang ligaya na nadadama niya sa nalalapit na tagumpay.
'Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya...'
"sabi na nga ba sisiw lng 'to e! HAHAHA!"
'anong hiwaga ang nadarama anong kaba...'
tatawid nalang xa ng kanto at magiging tao na xa ulit, ngunit napatigil xa nang may matinding liwanag na sumalubong sa kanya...
"AAAHHHHHHH!!!!"
nagulantang si tambunting nang siya ay naging pusang naka-twopiece. dahil binabasa mo 'to, bibigyan ka namin ng libreng subtitles sa lenggwaheng ginagamit ngayon ni tambunting.
"meow! meow-meow-meow!!!" (translation: "anak ng galunggong! bakit ako naging pusa!!")
"ha? hindi kita maintindihan, tambunting. naka-pusa language ka," sabi ni Mr. Bulalakaw.
"meow-meow!! me-me-mee-meoow!!" (translation: "nagsalita ang magaling! porket marunong ka lang magtagalog kahit bulalakaw ka!!")
"ewan kung anung sinasabi mo. pero eto a. dahil sa side effects, para bumalik ka sa dati, kailangan mong marinig ang kantang "kaba" ni tootsie guevarra. yun lang ang paraan. kailangan mo marinig yun. buo. kailangan marinig mo yun na pinapatugtog ng isang taong malapit sayo."
mababakas sa cat face ni tambunting ang "OMGWTF".
"sige, dyan ka na!! mambibiktima pa ko!!! BWAHAHAHAHAHA!!!"
at lumarga na uli si Mr. Bulalakaw. ni hindi man lang nalaman ni tambunting kung ano talaga yun.
naglakad si tambunting. andami niyang naiisip. una, mukha siyang psychic cat dahil naglalakad siya on two legs. pangalawa, kung ano nang nangyari sa kanya.. kani-kanina lang ay ang normal-normal ng buhay niya. anung nangyari? parang sa comics lang nangyayari to. at pangatlo, na-e-eb*k parin siya.
pero, wala na siyang choice. dahil character namin siya, kailangan niyang makinig ng "kaba" ni tootsie guevarra para makabalik sa pagiging tao. at makapunta na sa banyo pagkatapos. pakiramdam tuloy niya superhero siya.
nandun kasi siya sa isang parang "compound" kung saan madaming katabing-bahay ang bahay nila. dun siya magsisimulang maghanap ng korning tao na nakikinig pa hanggang ngayon kay tootsie.
*drumrolls..* itutuloy...
malapit nang lumabas ang "3-letter tagalog word" ngunit wala pa rin siyang nakikitang banyo.. bigla nyang naalala kung bakit siya gustong pabalikin nung bulalakaw...
sigurooo........
---sa loob ng utak ni tambunting---
*aalisin nya ang sakit na nararamdaman ko.. hmmmmm.... (pwede.... pwede diba?)
*bibigyan nya ako ng c.r.....hmmmmmm... (pwede rin...)
o cguro...
*isa siyang inidoro????? hmmmmm....(pwede ba un???)
------------------
"mabalikan na nga", ang nasabi na lamang ni tambunting...
todo pigil ang kanyang ginagawa... muka nya'y imposible nang maipinta. kumakaripad na siya ng takbo papabalik sa bulalakaw at nagbabakasakali na siya ang inidoro kaya siya pinapabalik....
--1 hr later--
"ayan na, malapit na ako sa bulalakaw...natatanaw ko na siya".. pabilis ng pabilis ang takbo ni tambunting papalapit sa bulalakaw na may muka (kasi dba nagsasalita nga)..
3...2...1... (isipin nyo na ang muka ni tambunting ay masayang masaya na parang nanalo sa lotto)
tambunting-bulalakaw conversation:
T: yesSSSsssSSss, succesSssSssSSs nakabalik din ako sayo, ang layo na pla ng nalalakad ko sa paghahanap lang ng banyo, ngayon alam ko na kung bakit mo ako pinababalik
B: bakit? ocge hulaan mo.. bibigyan kita ng clue. nandito ako dahil ikaw ang itinakda..
T: itinakda??? (sa isip ni tambunting) hmm, cguro ako ang itinakdang kaunaunahang makakapagbawas gamit siya.. cguro nga.. (cryoso ang muka ni tambunting habang nagiisip)
B: oo, itinakda... isa pang clue last na to ha... bibigyan kita ng bato.. o alam mo na ba kung bakit ako nandito??
T: bato??? (sa isip ulit ni tambunting) para san ang bato? e dba panghilod lang un, wala naman un kinalaman sa pagbabawas a.... mukang mali ata ang nasa isip ko a...
---fast forward na natin---
T: haay, hindi na masakit ang tiyan ko kakaisip ohhhh.. tsk tsk tsk.. bat ka ba kasi nandito..
biglang tumahimik ang lugar...nagkatitigan ang dalawa.. wari'y naguusap gamit ang mga mata (exag..haha)
iniabot na ni bulalakaw ang isang maliit na bato, at dahil malapit na ang pasko siya daw ang papalit kay santa claus.. (nakita kasi nung bulalakaw na hindi inentertain ni tambunting ang mga nangaroling sa kanya)...
B: ang kailangan mo lang gawin ay....
T: alam ko na yan, napanuod ko na yan e.. akin na ang bato....
kinuha nu tambunting ang bato sabay subo sabay lunok.... ngunit...
B: ano ka ba, darna ba ang nasa isp mo??? bato yan tange, hindi yan nilulunok... may side effects yan... lagot ka.. ang ginagawa jan, dinudurog muna tapos pakukuluan sa tubig, tapos ung mainit na tubig iinomin mo tapos magiging si santa ka na....
T: (habang may umaagos na luha sa kanyang mga mata) bakit ngayon mo lang sinabi???? ano ka ba naman???? huhuhu
B: e ikaw kasi e, ikaw ang may kasalanan nyan. ok lang yan bagay naman sau ang hitsura mo e.. haha
dahil sa katangahan ni tambunting eto na ang naging hitsura niya... (pero sa pasko lang naman)

itutuloy...