page one

10:03 PM / Posted by collaboration /

dahil sa pagbagsak ng bulalakaw naalaala niya ang nakalipas...

masarap ang kinaing tanghalian ni tambunting. masaya siya dahil muli na namang nabusog ang kanyang tiyan.
masaya siyang naglakad pabalik ng kanyang silid aralan ngunit hindi pa nagsisimula ang totoong kasiyahan...

dahil sa loob ng kanyang tiyan ay nagwewelga na ang kanyang lamang loob at sumisigaw ng "BANYO! BANYO!"

ang ngitin sa mukha ni tambunting ay unti-unting naglaho at napalitan ng sakit dahil sa paglipas ng oras ay binabalot na siya ng kadiliman. binabalot ng sakit na kailangan niyang alisin.

sinlamig ng silid aralan ang pawis na namumuo sa kanyang mukha. ang buhok niya sa braso at timitindig. at namimilipit na siya sa sakit.

sinilip siya ng katabi niya...

"tambunting, ayos ka lang ba?"

nasa isip niya... "syempre hindi"

"ayos lang. bakit?"


"kasi tingnan mo yang balahibo mo tumataas..."

katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.

bumalik si tambunting sa kasalukuyan. nakita niya ang bulalakaw.

"teka bulalakaw, punta muna akong banyo..."

0 comments:

Post a Comment