page two

10:21 AM / Posted by collaboration /

"teka bulalakaw, punta muna akong banyo..."

"hindi ako isang bulalakaw, sige, hihintayin kita. basta mangako ka na babalikan mo ko dito."

hindi alam ni tambunting kung ano ang gagawin, kung pupunta ba siya sa banyo upang maglabas ng sama ng loob o patuloy na kausapin ang nilalang na inakala niya ay isang bulalakaw.

"mangako ka.."

"sige. babalikan kita basta hihintayin mo ako."

habang naglalakad na si tambunting papuntang banyo, iba't-ibang mga bagay ang nasa isipan niya..


"bakit gusto niyang balikan ko siya? at bakit... nangako naman ako?"

"teka, ano ba talaga siya? ang gulo."

"gusto ko na siyang puntahan pero kailangan ko na talagang magbawas."

"bakit ko ba nasabi na isa siyang bulalakaw? baka naman itlog siya. pero masyado siyang maliwanag para maging itlog."

patuloy pa rin sa paglalakad si tambunting at wala pa rin siyang nakikitang banyo.

hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman.

0 comments:

Post a Comment